Naaalala n’yo pa ba ang typewriter o makinilya na minsan ay naging karamay natin sa ating mga school projects? Noong hindi pa uso ang computer, dito tayo kay makinilya umaasa at hindi n’ya tayo binibigong mabigyan ng magandang grado. Natatandaan ko pa ang huli kong gamit ng makinilya. Meron kaming project sa science noon at hindi nga ako nagkamaling dumepende kay makinilya dahil binigyan nga n’ya ako ng mataas na marka.
Napaka-laking tulong ng makinilya noon kahit na sumasakit ang kamay natin kakapindot sa mga letters nito (Minsan kasi ay lumulusot ang mga daliri natin sa pagitan ng mga letra at masakit ‘yon, lalo na kung napaka-bilis mong mag-type.). Ngunit hindi lang ang paglusot ng ating mga daliri ang problema sa isang makinilya. Kapag nagkamali tayo, walang “delete” o “backspace” button dito ’di gaya ng computer at kailangan mong gumamit ng correction fluid/liquid paper (o isnow peyk ayon sa iba) upang maitama ang typographical error mo. Isa pa, hanep sa ingay gamitin ng makinilya. Napaka-iskandalosong “Tak! Tak! Taka-tak!” ang sound na maririnig mo habang ginagamit mo ito. Required kasi dito ang madiin na pagpindot at kung hindi, magiging malabo ang rehistro ng pinindot mong letra (Ano daw?). Wala ring “arrow key” o “cursor” si makinilya kaya kailangan mong pihitin paikot ang handle na malapit sa papel upang mapunta s’ya sa gusto mong lugar (Ano daw? ‘Yun na ‘yun. Bahala na kayong umintindi. Hehe.). At ayon sa pagkakaalam ko, tatlong kulay lang ng letra ang pwede mong gamitin dito dahil tatlo lang ang kulay ng ribbon ng makinilya (itim, pula at asul). Hindi ako sure. At naalala ko bigla ‘yung brand ng typewriter namin noon, Olympia. Wala lang.
Kahit may computer na ngayon at lipas na sa uso ang typewriter ay hindi maikakailang minsan ay naging parte ng ating buhay (school life, in particular) at naranasan din nating gumamit ng isang kaibigang katulad ni makinilya.
No comments:
Post a Comment