Ang Palibhasa Lalake ay isang sitcom na pinalabas sa ABS CBN noong late 80s hanggang mid 90s. Kabilang sa mga cast nito ay sina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Anjo Yllana, Amy Perez, Carmina Villaroel, Cynthia Patag at Ms. Gloria Romero. Naabutan mo ba ang kwelang programang ito ng channel 2 na kadalasang pinapalabas tuwing Martes ng gabi pagkatapos ng TV Patrol?
Isa ito sa pinaka-paborito kong sitcom noon. Lagi akong nanonood nito kahit minsan ay hindi ko maintindihan ang istorya ng ilang episode dahil bata pa ako noon. Tumatak sa akin lahat ng mga characters nila sa sitcom na ito tulad ng pagiging babaero nina Ricardo/Ricky (Gomez) at Joselito/Joey (Marquez), ang mga palpak na imbensyon ni Juanito/Johnny (Estrada), ang isip bata at ang “Banana Man” at “Power Ranger Six” ni Tikboy (Yllana), ang tomboyish na si Amelia (Perez), ang babaeng mukhang may topak at laging may hawak na stuffed toy na si Cynthia (Patag), at si Lola Minerva (Romero) na mahilig tumoma.
Pinaka-memorable siguro sa sitcom na ito ‘yung pagbabasaan ng mga casts sa pagtatapos ng programa (o kahit sa kalagitnaan ng show). Kasunod na nito ang pagpapatugtog nila ng theme song na “Katawan” ng Hagibis. Sa palagay ko ay ang Palibhasa Lalake ang nagsimula ng ganitong istilo ng pagpapatawa, na may kasamang basaan sa set.
yep kami nga
ReplyDelete