Saturday, October 23, 2010

O, Chickadees. Bakit mo kami iniwan?

I’m sure kahit isa man lang sa inyo ay may nakakaalala ng popular na chichiryang ito.

Ang Chickadees ay isang junk food na nakilala at paborito ng mga bata noon dahil sa kanilang mga maliliit na free toys na kalakip ng bawat pack nito. Ilan lang sa mga libreng laruan ay mga stickers, mga maliliit na pambura, rounded stretchable something na elastic at idinidikit sa pader, ‘yung gummy bear look-alike na toy pero hindi kinakain, ‘yung dinosaur something na kapag ibinabad sa tubig ay lumalaki ang hugis, at kung anu-ano pang weird na mga laruang sa kinalaunan ay malamang na magiging kalat lang ng mga bata sa bahay. Marami pang kabulastugang kalakip ang chichiryang ito subalit hindi ko na matandaan ‘yung iba dahil sobrang tagal na nito. Ito na siguro ang pinakapaborito kong junk food noong bata at kasama ng Pretzels ay lagi ko silang binibili sa canteen o kung hindi man ay nagpapabili ako sa lola ko nito araw-araw. My gulay, miss ko na talaga ang chichiryang ito. O, Chickadees. Bakit mo nga ba kami iniwan nang walang kagatul-gatol? Marami pa rin ang nangungulila sa ‘yo at sa free toys mo. (OA na.)

Nga pala, ‘yung larawan, sa totoo lang, hindi ganito ‘yung packaging ng Chickadees na nakagisnan ko. Kulay berde rin s’ya pero bilug-bilog ang laman na parang Pom Poms. Siguro Chickadees ng ibang bansa ito. Wala kasi akong mahanap na litrato nung original na Chickadees.

3 comments:

  1. namiss ko ang chikadees... lalo nga yung toys na lumalaki sa tubig o kaya yung parang rubber na tumatalon. :p

    ReplyDelete
  2. ung rubber toys na pagbinababad sa tubig tapos nag eexpand sya.. ung parang gummy bear nga na di nmn nakakain.. isa yan sa mga na experienced kong laruin nung bata pa ako.. hehe ung E.T. na junk food din.. may free nmn na 25cents, 50cents, at pinakamalaki na ang piso.. and tuwang tuwa nko nun sa piso.. haha may free din un maliliit na toys na cowboy, indian and kabayo na magkakahiwalay.. haha..

    ReplyDelete
  3. There's one other children toy I remember from Chickadees (aside from the jumping rubber domes). It was like a playing card-size cardboard with some sort of wheel that you can turn, tapos depende sa picture nung section of the wheel pag inikot, mag-iiba yung hawak nung tao, like a flower or something. I think it was a magician character. Or maybe I'm just imagining all these. Haha. But I seriously remember that took in 1989.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...