Wednesday, October 27, 2010

Kilala mo pa ba si Recca Hanabishi?


Ang Flame of Recca ay isang anime na pinalabas noong early 2000. Hango ito sa isang manga series na Rekka no Hono. Ito ang anime na pumalit sa Ghost Fighter nang unang beses itong matapos sa GMA 7. Ito ay istorya ng isang batang lalakeng si Recca Hanabishi na naniniwalang isa siyang ninja.

Ang Flame of Recca ay isa sa pinaka-paborito kong anime noong panahong ‘yon. Katulad ng walang kamatayang Ghost Fighter, ilang beses ko na ring napanood ng buo ito sa GMA 7. Nagkaroon pa nga ito ng english version noon sa AXN (Sinundan ito ng anime na Ninku sa AXN. Nanonood din ako ng Ninku pero bihira lang.). Kabisado ko rin dati ang pangalan ng mga characters dito noon pati ‘yung mga flame dragons ni Recca. At lagi kaming bumibili ng mga kaklase ko ng isang banig ng teks nito sa tindahan pagkatapos ng eskwela.

Alam n’yo ba kung ano ang pinaka-paborito kong episode ng Flame of Recca noon? Ito ay walang iba kundi ‘yung laban ni Aira Kirisawa at ng isang halimaw (nakalimutan ko ang pangalan) at nahubaran si Aira sa episode na ‘yun. (Hindi naman hubo’t hubad, naka-bra at panty kasi. Amfs. Ang manyak ko na noong bata.)

2 comments:

  1. OMG favorite ko 'to dati. Si Aira gusto ko eh.
    Diba nakidnap si Anna? Haha. Ang "prinsesa" ni Recca

    ReplyDelete
  2. Yep.. Paborito ko rin yang Flame of Recca. Sa Katunanyan nga, dinownload ko talaga ang series nyan sa internet. hihih.. Para lang libre kong panoorin nang paulit-ulit..

    Ang ganda ng istorya kasi.. though fiction. At ibang klase si Recca.. iba kung magmahal. Loyal sa kanyang "prinsesa".. sa totoong buhay, wala kang makikitang ganyang klaseng lalaki. :)

    My Tasty Treasures
    Ako si LEAH
    Everyday Letters

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...