Sino nga ba ang mag-aakalang ang rubber band o goma ay naging paboritong libangan ng mga bata noon? Sa panahong hindi pa uso ang magagarbong teknolohiya, ang simpleng piraso ng goma ang siyang bida sa mga batang naglalaro sa lansangan noon dahil sa dami ng pwedeng gawin sa isang elastikong bagay na ito.
Una na sa listahan ng maaaring gawin sa goma ay ang paglalaro ng dampa kung saan inilalapag ang goma at pinapagalaw ito sa pamamagitan ng hangin gamit lamang ng inyong mga kamay na karaniwang nilalaro ng mga batang lalake (Potek. Nanakit lang ‘yung kamay ko noon pero hindi ko pa rin mailakas-lakas ‘yung paggalaw ng goma.). Isa pang pwedeng gawin sa goma ay ang pagkabit-kabitin ito hanggang sa makabuo ka ng isang mahabang rubber band chain na gagamitin sa paglalaro ng Chinese Garter. Patok naman ito sa mga batang babae.
Maaari ding gumawa ng kung anu-anong bagay sa goma gamit lamang ang malilikot na isipan. Noon ay masaya ka kapag nagagawa mo sa goma ang star, double star, triple star, philippine flag, bahay ni Tarzan at kung anu-ano pa at ipinagyayabang mo pa ang mga ito sa mga kalaro mo. (Nagawa ko noon ‘yung star, double star at bahay ni Tarzan pero ‘yung isang star lang talaga ang na-master ko.)
Sa ngayon, base sa aking napapansin, ginagamit na lang ang goma sa pagtali ng buhok para sa mga babae at may mahahabang buhok at sa pagtali ng ilang piraso ng binilot na papel. (Ano daw?)
Nostalgia overload...muntik pumutok ang pulso ko dahil sa dampa na yan..sayang ngayon ko lang nabasa ang blog mo...sana 2 years ago na akong nagrereminisce
ReplyDelete