Isa ang Teenage Mutant Ninja Turtles sa mga naging childhood favorite ko pagdating sa cartoons noon. Lagi akong nanonood nito kasama ng aking mga pinsan tuwing Biyernes ng gabi sa ABS CBN at pagkatapos naming manood ay magdo-drowing agad kami ng mga Ninja Turtles. Kinabukasan naman ay maglalaro kami ng portrayals nito (Gumaganap kami na isa sa mga Ninja Turtles.)
Narito ang ilan sa mga characters na aming pino-portray:
- LEONARDO. Ito ‘yung pinaka-leader ng TMNT na ang dalang armas ay ‘yung katana o mahabang espada. Ang pinakamatanda sa aming magpipinsan ang gumaganap sa papel na ito at ang kanyang armas ay ang laruang espada. (Siya lang ata ang may pinakamatinong armas sa amin. Malalaman ninyo kung bakit as we go along. LOL.)
- MICHELANGELO. Ito ang joker o komikero ng TMNT na ang dalang armas ay ‘yung nunchaku o mas kilala sa tawag na chako. Ang gumaganap naman nito sa aming magpipinsan ay ‘yung pinsan kong may pagka-utal pa rin kung magsalita noon kahit na nasa tamang edad na at ang kanyang armas ay improvised chako gamit ang dalawang tsinelas na may tali (Ano daw? Basta ‘yun na ‘yun. Ang armas naman n’ya ang pinaka-kakaiba.)
- DONATELLO. Ito naman ang henyo ng TMNT na ang dalang armas ay ‘yung tinatawag na bo (na ayon sa Wikipedia ay isang Japanese long staff weapon na ginagamit sa martial arts). Ang gumaganap naman nito ay walang iba kundi ang inyong lingkod at ang nagsisilbing bo ko ay isang mahabang patpat na yari sa kawayan na napulot ko lang sa kung saan. (Pero sa tunay na buhay ay hindi ako henyo. Paborito ko kasi ang kulay na purple/violet noon at ito ang kulay ng takip sa mata ni Donatello.)
- RAPHAEL. Ito naman ang tinaguriang bad boy ng TMNT na ang dalang armas ay dalawang sai (Ito ‘yung mala-tinidor ang itsura na maliit na panaksak.). Ang gumaganap nito ay ‘yung pinsan kong mestiso na medyo may pagka-bad boy na ngayon dahil minsan na siyang nag-adik at ang kanyang armas ay ano pa nga ba, kundi dalawang tinidor. (Ang kanyang armas ang pinaka-kengkoy sa lahat. Walang duda.)
- APRIL O’NEIL. Ito ‘yung babaeng kaibigan ng Ninja Turtles na laging kulay dilaw ang suot. Ang gumaganap nito ay ‘yung pinsan naming maganda.
At ‘yan ang ilan lamang sa aming pinoportray na character sa TMNT. Pero hindi pa d’yan natatapos ang pagkahumaling namin sa cartoons na ito dahil meron kami noong tig-iisang malaking puzzle ng Ninja Turtle na paulit-ulit naming binubuo kahit na namaster na talaga namin kung paano ‘yun binubuo. Meron din kaming Ninja Turtle rubber shoes noon na hindi tumagal para sa akin dahil nasira kaagad kaya pinalitan ko ‘yun ng sapatos na may design na dinosaur.
At ‘yan ang istorya sa likod naming mga batang yagit noon na avid fan ng Teenage Mutant Ninja Turtles.
Hi. this is Alexa.
ReplyDeleteI am a follower of you in tumblr.
:)I learned about your account here in one of your post on tumblr too.
I got interested. Please follow me baack. Thx.