Saturday, June 4, 2011

Mixed Nuts: Isang classic gag show ng TVJ noong mid 90s

Sa mga oras na ito, malakas ang pakiramdam kong wala pang 20% sa inyo ang nakakaalam ng programang ito noon sa GMA 7. Ang programang ito ay isa lamang sa napakaraming show na pinagsamahan ng tatlong magkakaibigan na sinubok at pinatatag na ng panahon, ang mga alamat na sina Tito SottoVic Sotto, at Joey de Leon. Ito ang Mixed Nuts, isang gag show na ipinalabas noong kalagitnaan ng dekada nobenta. Kasama rin sa show na ito ang ilang artista gaya nina Candy PangilinanRitchie ‘D HorsieJenine Desiderio, ang kapatid nina Vic at Tito na sina Val at Ali Sotto, at iba pa. Dito rin sumikat ang ilang personalidad na tulad nina Inday Garutay na spoof ng yumaong si Inday Badiday, at si Referee “Pwisto!”, isang referee na may Visayan accent na una talagang sumikat sa “Alaxan Gladiators” game portion ng Eat Bulaga.

Ilan sa hindi malilimutang classic na eksena sa show na ito ay ang kanilang spoofs. Sino nga ba ang hindi makakalimot sa spoof nila ng Metro Manila Filmfest Scam noong 1994 kung saan gumanap si Jenine Desiderio bilang spoof ni Lolit Solis na si “Lolit Tulis”? Si Ritchie ‘D Horsie naman ang gumanap bilangMiss Mauritius na si Viveka “Take it! Take It!” Vavajee, at si Joey de Leon ang gumanap bilang si Gretchen “Patatagalin ko ‘to!” Barretto. (At ‘yan lang ang natatandaan ko ngayon sa spoof nila ng filmfest scam. O sige, sa tulong na rin ‘yan ng website na Pinoy Exchange. Tinamad na naman akong palawakin pa sa ibang site ang aking paghahanap.) Sa palagay ko, dito nakilala ang programang Mixed Nuts.

Isa pang classic memories sa show na ito ay ‘yung “Alam Ba News?” portion kung saan nagbabalita sina Joey De Leon, Vic Sotto and the rest of the gang at pagkatapos nilang basahin ang isang balita at lagyan ng punchline ay biglang magsasayawan ang “Mixed Nuts Girls” sa likod nila (minsan sa harapan) habang kumakanta ng makabagbag-damdaming “ti-tirititit-tirititit-tirititit-tirititit…”! (Hindi ako nagbibiro, puro ganyan ang sound nila.)

Pero isa sa pinaka-paborito ko ay ‘yung spoof ni Bossing Vic Sotto sa yumaong si Ka Ernie Baron bilang si “Ernie Barong” at ang kanyang Knowledge Power. Laging ipinagmamayabang ni Ernie Barong ang kanyang Barong Tagalog na may biyak sa likod at nabibili d’yan lang sa may Kamyes (Kamias). Laughtrip rin ang ilan sa conversations nila ng caller “kuno” n’ya sa programa:

Caller: Ah hello? Si Ernie Barong po ba ‘to?
Ka Ernie: Oo ito nga.
Caller: Pwede po bang magtanong?
Ka Ernie: Oo naman, iho. Pwedeng pwede.
Caller: Salamat po sa sagot. <*click*>

Eto pa’ng isa:

Caller: Ah hello, si Ka Ernie po ba ‘to?
Ka Ernie: Ako nga, iho. Ano’ng tanong mo?
Caller: Itatanong ko lang po kung ano po ang telephone number ng show n’yo?

At marami pang ibang nakakagagong eksena.

Hindi ako sigurado pero natatandaan kong sa closing ng programang ito ay meron silang portion kung saan magkakaroon sila ng “knock-knock” joke bawat isa, ayon sa kanilang paksa. (Halimbawa: Tungkol sa mga bayani, prutas, pasyalan, etc.) Laging finale ang joke ni Vic Sotto dito dahil espesyal ito at laging may patama sa “may edad na” noong si Val Sotto. Meron akong kaisa-isang knock-knock joke ni Bossing na natandaan. Iba’t ibang malls ang paksa nila noong gabing ‘yun (SMRobinsonsAli Mall, etc.). Ganito ‘yun:

Vic Sotto: Knock-knock!
(Lahat): Who’s there?
Vic Sotto: Isettan.
(Lahat): Isettan who?
Vic Sotto: Isettan-da! (Eee! Si tanda!)
Sabay habol ni Val Sotto at takbuhan at riot sa set na para bang may raid ng pirated DVDs sa Quiapo, kasabay ng closing remarks ng programa!

Nakaka-miss tuloy kumain ng Ding Dong.

2 comments:

  1. hahaha, nice! alamat talaga ang TVJ. Pero teka, sa Mixed Nuts ba si Ernie Barong? 'di ba sa "Television's Jesters" sa channel 13? ung my vienna sausage boys' choir?

    ReplyDelete
  2. Ah yes ser dun nagsimula si "Ernie Barong", kaso sa Mixed Nuts ko s'ya unang nakilala. Bata pa ako nung ipalabas ang TV's Jesters haha :))

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...