Isa siguro sa mga dahilan kung bakit nakaugaliang term na ng Pinoy ang “Colgate” imbis na “toothpaste” ay dahil sa sumikat nilang free robot toy na katulad ng nasa litrato. Ang Colgate Alphabet Robots ay isang plastik na laruang may disenyong mga letra at maaaring ma-transform na robot. Sumikat ito noong 90s pero I’m not sure kung matagal nang meron nito.
Napaka-henyo ng nakaimbento nito. Nagkaroon tuloy tayo ng dahilan upang magsipilyo araw-araw nang sa gayon ay mabilis makabili ng panibagong Colgate para makolekta ang lahat ng alphabet robots na kalakip nito. Pero sa totoo lang, sadyang napakahirap kolektahin lahat ng letra nito. Maraming rare na letra na hindi available sa tindahan. Sa pagkakatanda ko ay apat lang ‘yung nakolekta kong ganito at ‘yung dalawa ay galing pa sa lola ko. At kung meron mang naka-kumpleto ng koleksyon nito ay binabati ko s’ya dahil isa s’yang dakilang kolektor. (Amps. Wala lang.)
Sa kabilang banda, kaya n’yo bang hulaan kung ano ang letra nung nasa ikalawang litrato? Sa tingin ko ay letter “K” ‘yung isa at ‘yung nasa kaliwa naman ay “H” o “U”. (Wala lang. Kinausap ko lang ang sarili ko. Hehe.)
No comments:
Post a Comment