Natatandaan mo pa ba ang programang ito noong dekada nobenta? Ang Mr. Cupido ay isang daily romance/drama show sa ABS CBN na pinapalabas tuwing hapon, usually pagkatapos ng mga panghapong soap opera nila tulad ng Mara Clara at Valiente. Ang show na ito ay tumatalakay sa kwentong pag-ibig ng mga letter senders. Every week ay may featured romantic story narrated by Mr. Cupido himself, Buboy Garovillo (Isa sa mga member ng famous APO Hiking Society), na ginaganapan ng mga piling artista.
Dahil laking TV ako noong 90s, isa ang Mr. Cupido sa mga pinapanood namin ng tita ko tuwing hapon, bago ako makipaglaro sa mga pinsan ko sa labas. Kahit hindi ko maintindihan ang istorya ay nakatutok pa rin ako dito. Paborito ko lang siguro ang theme song nito na inawit ni Rachel Alejandro. (Mr. Cupido, ako nama’y tulungan mo… Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso kooo… K.) Pero sa dinami-dami ng mga artistang gumanap sa show na ito, tanging ang dating teen star na si Chucky Dreyfuss lang ang natandaan ko. Ewan ko ba kung bakit s’ya ang tumatak sa isip ko kapag nababanggit ang programang ito. Ni hindi ko naman s’ya paboritong artista.
No comments:
Post a Comment