Noong mga huling taon ng dekada 90, nagkaroon ng isang romantic disaster film na Titanic, starring Leonardo DiCaprio as Jack Dawson at Kate Winslet as Rose Bukater (Nais kong pasalamatan ang Wikipedia para sa apelyido nina Jack at Rose!). Para sa mga kahapon lang ipinanganak at hindi napanood ang pelikulang ‘to, ito ay tunay na istorya ng trahedyang naganap sa karagatan at ang pag-iibigan ng dalawang taong langit at lupa ang pagitan sa gitna ng matinding trahedyang ito. Lumubog ang RMS Titanic matapos bumangga sa isang iceberg habang binabaybay ang Atlantic Ocean noong April 14, 1912.
"Iceberg! Right ahead!!" |
Napakaraming eksenang nagmarka sa bawat nakakapanood sa pelikulang ‘to. Sino nga ba ang hindi makakalimot sa pagpinta ni Jack sa hubo’t hubad na katawan ni Rose? Sa sinehan ko unang napanood ang pelikulang ‘to kasama ng aking mga magulang at bunsong kapatid kaya naman napaka-awkward ng eksenang ‘yun. Medyo nahihiya-hiya pa kaming sumulyap noon sa cute na utong ni Kate Winslet. Pero nung pinanood ulit namin un eh nasanay na rin kaming makita ang “pasas sa monay” kahit may kasamang mas nakatatandang nanonood. Isa pang eksena ay ‘yung tinatawag na “I’m the king of the world” scene. Tapos meron pang naging paboritong gayahing eksena sa ibang pelikula at katatawanan kung saan nakatayo si babae sa dulo ng bangka at habang umaandar ito ay itinataas ang kanyang mga braso na parang pakpak ng eroplano, habang nakayakap naman mula sa likuran si lalake. At sino nga ba ang hindi makakaalala sa sex scene nila Jack at Rose kung saan sila nagsalo ng kaligayahan sa isang lumang sasakyan na ayon sa mga kabarkada kong medyo malikot ang mga isipan eh na-devirginize daw si Rose doon dahil kung matatandaan ay pinakita ‘yung basang kamay ni Rose na pumalo sa bintana habang ehem… “nagtitirahan” sila ni Jack. Dugo daw ‘yun ni Rose dahil first time n’yang makipag-sex ayon sa mga kabarkada ko. (Hanep ang mga kabarkada ko noon.) At meron pang nakakatuwang eksena kung saan tinuruan ni Jack na dumura si Rose sa dagat. Hanep! Pati pagdura tinuro.
Kung merong “light moments” eh meron ding mga eksenang aantig sa inyong mga puso. May isang nakakaawang eksena kung saan nagpakabayani ang “captain of the ship” at hinayaan na lang n’yang anurin s’ya ng noo’y papasok nang tubig sa loob ng Titanic. Pero ang mas nakaka-antig para sa akin ay ‘yung eksena ng dalawang mag-asawang matanda na magkayakap pa sa kama hanggang sa inanod sila ng papasok na rumaragasang tubig dagat.
Pero bukod sa mismong pelikula, pumatok din ang original soundtrack nito na “My Heart Will Go On” na inawit ng diva na si Celine Dion. Dahil sa popularity ng pelikula, nahatak din ang popularidad ng awiting ito kaya naman matagal na nanatili ito sa number one spot ng MTV Asia Hitlist (Ito ‘yung countdown dati ng MTV, kumbaga para s’yangMYX Hit Chart ngayon). Halos buong araw ako kung tumutok noon sa MTV kaya natatandaan kong sobrang tagal ng kantang ‘to sa top one, tapos lagi namang second placer lang ‘yung “Frozen” ni Madonna. Madalang kung makaungos si Madonna kesa kay Celine Dion na consistent number one. (Trivia: Ginawan ni Michael V ng “Myusik Tagalog Bersyon” ang awiting ito at tinawag na “Ang Puso Ko’y Tutuloy” by Celine Din’yon.)
Ayon sa aking pananaliksik sa malawak na mundo ng Wikipedia, napag-alaman kong ang pelikula palang ito ay pumapangalawa sa listahan ng highest grossing films of all time, umabot sa mahigit 1.8 billion dollars ang kanilang earnings sa ticket sales sa buong mundo (highest grossing film of all time ay Avatar. Click here for more details)! Kung ngayon nangyari sa atin ‘to eh bale mahigit 79 billion pesos ang earnings ng Titanic. Hanep! Makakagawa ka na ng ilang sequels doon ng Mano Po, Enteng Kabisote at Shake Rattle and Roll sa ganoong kalaking halaga! Ganyan kalaki ang impact ng istorya na ginawa ng higanteng barko na ‘to!
Makalipas ang mahigit sampung taon, sigurado akong marami pa ring nanonood at nakakapanood sa inyo ng pelikulang ito na itinuturing nang classic sa movie history. At tulad ng theme song sa pelikula, ang popularidad ng Titanic “will go on and on”.
Nga pala, para sa mga “Titanic Fanatics” oink oink d’yan na gustong balikan ang ilang memorable quotes ng pelikula, pindutin lang ang link na ito.
No comments:
Post a Comment