Tuesday, January 3, 2012

Napaindak ka ba sa mga awitin ng boyband extravaganza noong 90s na Backstreet Boys?


Kasama sa pag-usbong ng makabagong musika o pop music noong dekada nobenta ang pamumukadkad ng isang grupo ng mga mang-aawit na kinabibilangan ng mga kalalakihan at nakilala sa tawag na boyband. Bagamat hindi talaga sila tumutugtog ng kahit anong instrumento katulad ng isang pangkaraniwang banda, tinawag pa rin sila sa ganoong pangalan sapagkat (Uhm… Hindi ko pa pala alam kung bakit. Next time ko na lang aalamin.) At kapag pinag-uusapan ang boybands, hindi pwedeng mawala sa listahan ang Backstreet Boys. Sino nga bang 90s kid ang hindi nakakakilala sa boyband na ito?

Backstreet Boys: 90s' Boyband extravaganza!!!
Ang Backstreet Boys ay isang American vocal group/boyband na nabuo sa Orlando, Florida noong taong 1993 at kinabibilangan nina AJ McLeanHowie Dorough, Brian LittrellNick Carter (nakatatandang kapatid ni Aaron Carter na sumikat din dahil sa awiting “Crush On You”) at Kevin Richardson. Nagkaroon sila ng pitong (7) studio albums: Backstreet Boys (1996), Backstreet’s Back (1997),Millennium (1999), Black & Blue (2000), Never Gone (2005), Unbreakable (2007), atThis Is Us (2009). Aminin mo, na-“last song syndrome” oink oink ka sa mga awiting tulad ng Get Down (You’re the one for me, you’re my ecstasy, you’re the one I need…), As Long As You Love Me (Who you are? Where you’re from? Don’t care what you did as long as you love me, baby…), All I Have To Give (But my love is all I have to give. Without you I don’t think I can live. I wish I could give the world to you, but love is all I have to give…), I Want It That Way (Tell me why ain’t nothing but a heartache. Tell me why ain’t nothing but a mistake. Tell me why, I never wanna here you say, I want it that way…), at hindi ko na sasabihin ang iba pa dahil tiyak mapapa-download na naman ako nito nang wala sa oras. Ilan lang ang mga kantang nabanggit ko na talaga namang bukod sa masarap sabayan eh mapapasayaw ka kahit hindi ka naman marunong sumayaw.

Hindi ko alam kung ano ang first music video nila pero ang kauna-unahang music video na napanood ko sa MTV ay ang kanilang Quit Playin’ Games. Oo, mid-90s na noong madiskubre ko na may channel palang nagpapalabas ng music videos. Para sa mga nakalimot na sa video ng Quit Playin’ Games, ito ‘yung sumasayaw ang limang ‘to sa gitna ng parang parke. Biglang bubuhos ang ulan sa gitna ng video. Naka-pormang kagalang-galang sila sa umpisa ng kanta pero dahil hindi pa sila naliligo noong araw na ‘yun, naisipan nilang magtampisaw sa ulan at unti-unti silang nagtatanggalan ng mga saplot habang kumekendeng, at ayoko nang ituloy dahil alam kong naaalala n’yo na ang video na ‘to. Para naman sa mga hindi nakakaaalam nito, ipinauubaya ko na lang ang video sa YouTube o ‘di kaya’y sa malilikot n’yong kaisipan.

Tulad ng dati, isa ang boyband na ito sa mga umengganyo sa akin na bumili ng cassette tape. Ipinagmamalaki kong meron akong album nila ng Backstreet Boys, Backstreet’s Back, Black & Blue, at Millennium. (Oo, proud ako sa tapes kong ‘yon. Buhay pa nga hanggang ngayon pero naghihingalo na ‘yung case, tadtad ng scotch tapes at hindi ko na rin mapakinggan dahil wala na kaming cassette player.) Pinaka-paborito ko sa mga kanta nila ang Shape Of My HeartThe Call, I Want It That WayMore Than That, at iba pa.


Bagamat una nilang naging single ang kantang “We’ve Got It Goin’ On” na galing sa kanilang self-titled debut album, hindi ito gaanong sumikat. Sa halip, mas sumikat dito sa Pinas ang “Get Down”. Lalo pa itong nakilala noong mag-tour sila dito sa ating bansa. Natatandaan ko pa nun, nagperform sila sa variety show ng ABS CBNtuwing Linggo (ASAP o Sa Linggo nAPO Sila). Sinasayaw din ito ng Pinoy dance group nina Vhong Navarro at Jhong Hilario, ang Streetboys, kaya nang biglang dumating ang Backstreet Boys sa bansa, ang buong akala ko ay spoof lang sila ng Streetboys.

Isa ang Backstreet Boys sa mga nagpasimuno ng mahiwagang alamat ng boybands. Sumunod sa kanilang umusbong ang iba pang boybands tulad ngWestlifeN*SyncA1, 91198 Degrees, at marami pang ibang grupo ng mga taong nagpapaka-lalake kahit minsan halatang may pilantik ang mga daliri ng ilan sa kanila.

Napag-uusapan na rin lang ang pilantik, karaniwan na sa isang boyband noon ang magkaroon ng gender issue, o ‘yung bigla na lang magkakaroon ng tsismis na bading ang isa nilang kagrupo. Merong ilan na hindi umamin, may mga nagkakaila pa, subalit meron din namang nagsiwalat ng tunay na pagkatao. Isa na rito si Stephen Gately ng Boyzone. Nagsolo s’ya noon, dahil siguro sa kahihiyan, o baka dahil nagseselos s’ya kay Papa Ronan Keating kapag may bebot na lumalapit sa kanya.

Dito kaya sa Backstreet Boys? Sino sa tingin mo ang myembro ng federasyon? Meron nga kaya sa kanilang may federasyon? (‘Yan ang hirap sa mga sobrang gwapo eh, napapagkamalang bading. Buti na lang hindi ako gwapo.)

Para nga pala sa titulo ng post kong ito, hinanap ko ang Tagalog ng salitang“extravaganza” at ayon sa Google Translate, ito ay “marangyang palabas”. Pero wala itong kinalaman sa titulo ng post ko. Natawa lang ako bigla sa naisip kong ito kaya ginawa kong pamagat ng aking “boyband post”. (Boyband Extravaganza! Lang’ya, parang circus.)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...