Isa si Santa Claus (o San Nicholas) sa mga pinakasikat na characters tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Ang mataba, pulang-pula at balbasaradong mama na ito na ayon sa marami ay naninirahan sa North Pole ay paboritong paborito lalo na ng mga bata dahil sa pamimigay niya ng iba’t ibang regalo, pagkain, laruan, damit, at iba pa. Sulatan mo lang siya tungkol sa gusto mong hilingin at ibibigay niya sa iyo sa Pasko, basta’t magpakabait ka lang. Sabi nga sa isang popular na awitin, “He’s making a list and checking it twice. Gonna find out who’s naughty or nice. ~Seniklos~ is coming to tooown…”.
"Seniklos is comin' to town..." |
Kung pagbabasehan natin ang ating mga nakikita, maaaring may Santa Claus nga sa mundong ito. Pero ang magpunta si Santa Claus sa isang lugar na tulad ng Pilipinas, naniniwala ba kayo? Kami ng utol ko, naniniwala dati. Pinalaki kasi kami ng aming mga magulang na pinapaniwala sa aming meron ngang Santa Claus na namimigay ng mga regalo sa Pasko. Kaya naman noong bata pa kami ay Pasko ang pinakamasayang araw na aming inaabangan sa pagtatapos ng bawat taon. Oktubre pa lamang ay nagkakabit na kami ng Christmas Tree sa bahay at pagsapit pa lang ng buwan ng Nobyembre ay gumagawa na kami ng liham upang sa pagdating ni Santa Claus sa bahay namin (Oo, sa bahay mismo namin!) sa bisperas ng Pasko ay makita niya ito at ibigay ang aming mga mumunting kahilingan.
Hindi naman kami binibigo ni Santa Claus. Ilan sa mga binigay niya sa akin sa mga nagdaang Pasko ay notebook na may Walt Disney design, NASA rocketship, higanteng flying helicopter, magic coloring book, 64 pieces ng Crayola crayons, hard bound book na pop-up (‘yung kapag binuksan mo ay parang 2D ‘yung image na nagpa-pop-up, basta hehe), Matchbox toys na nakalagay sa asul na mala-maletang bag na yari sa tela (hindi ko makalimutan ito), Tagalized Mickey Mouse comics na colored (naaalala ko ito, may nabibiling ganito dati. Ngayon wala na), at ang makapangyarihang Power Penz na isa sa pinakapaborito kong bagay na ibinigay sa akin ni Santa Claus. Ang huli kong natanggap na regalo mula kay Santa Claus noong dose anyos ako (Opo, grade 6 na ako ay naniniwala pa rin kami ng utol ko kay Santa Claus) ay ang bisikletang may dalawang maliliit na gulong sa gilid panggabay sa mga hindi pa marunong magbisikleta ng dalawahan ang gulong at personalized face towel na may burda ng pangalan ko.
Ang inyong lingkod habang nagbubukas ng regalong bigay ni "Santa Claus" |
Isa rin sa mga pinaniwalaan namin noon ay ang pagiging mahilig ni Santa Claus sa Coca-Cola. May commercial kasi dati sa TV na umiinom ng Coke si Santa Claus na binigay ng batang lalake at bilang ganti ay tinupad niya ang wishlist ng batang ito sa araw ng Pasko. Kaya naman bago kami matulog sa bisperas ng Pasko ay naglalagay na rin kami ng ilang Coke in can sa ilalim ng Christmas Tree kasama ng aming liham bilang paghahanda sa pagdating ng isang bisitang mula pa sa North Pole na ini-expect namin na pumapasok ng bahay namin taun-taon.
Tanong ninyo siguro kung paano nakakapasok si Santa Claus sa bahay namin. May duplicate key kasi siya. ‘De, biro lang. Pinaniwala kami ng aming mga magulang na may magic na taglay si Santa Claus at mula sa langit ay sa bubong ito dumadaan papasok ng bahay namin na saktong saktong sa Christmas Tree pa mismo luma-landing. (‘Di kaya akyat-bahay gang ‘yun? Joke.)
Pero minsan ay dumating ang pagkakataong natuklasan namin ng utol ko ang katotohanan sa likod ng misteryong ito. Nalaman naming sina itay at inay lang pala ‘yung Santa Claus na namimigay sa amin ng regalo sa Pasko. Sila mismo kasi ay umamin sa amin nang minsang tanungin namin sila kung meron ba talagang Santa Claus na nagpupunta sa bahay. Hindi man sila sumagot ay halata sa kanilang mga bungisngis ang pagsasabi ng katotohanan at realidad ng tungkol sa Kapaskuhan. Sabi pa nila, ganito raw ang dapat naming gawin sa magiging anak namin at kapag nagkaroon na ng tamang pag-iisip ay sabihin na ang katotohanan tungkol kay Santa Claus.
(Makikita sa ikalawang larawan ang regalong NASA rocketship na kasalukuyang binubuksan ng isang cute na cute na batang nagngangalang Alden (LOLJK). Sa gawing kanan ko ay ‘yung giant flying helicopter at sa kaliwa ko naman ay ang napakaganda kong si inay. Nasa background naman ang Christmas Tree namin. At pagmasdan ninyo, may bentilador sa likod! ‘Yan ‘yung Rota Aire na bentilador. Hehe.)
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
ReplyDeletemayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.