“Last two minutes! Last two minutes!” Sigaw ng coliseum barker.
The shot was missed! Codiñera grabs the rebound… Ahead to Patrimonio, inside the shaded lane… Lastimosa is open from the long court… Jolas, fakes, triple V… Yes!!! (Pwede na ba akong commentator ng ESPN? Putik, ang hirap umingles.)
“Lastimosa, three-points!” Sigaw muli ng coliseum barker.
Natural na ang ganitong eksena sa basketball dito sa Pilipinas noon pa mang dekada 70. At sa mga huling taon ng dekada 80, naging matunog sa Philippine Basketball Association ang koponan ng Purefoods TJ Hotdogs. At kapag binanggit ang Purefoods noon, hindi pwedeng hindi kasama dito ang tatlong pangalan:Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, at Jojo Lastimosa.
Pumasok ang Purefoods sa PBA noong taong 1988 pagkatapos nilang bilhin ang prangkisa ng Great taste team. At dahil bagong koponan, syempre gusto nilang magpasikat sa madla kaya naman kumuha sila ng tatlong sikat na manlalaro mula sa iba’t ibang unibersidad. Napili nila si Alvin “The Captain” Patrimonio mula sa Mapua, si Jerry “The Defense Minister” Codiñera mula sa UE(Go fight, red and white!), at si Jojo “Jolas” Lastimosa mula sa Ateneo.
Kung pamilyar kayo ngayon sa Big Three ng Boston Celtics na sina Paul Pierce,Kevin Garnett, at Ray Allen, maituturing na Big Three ng Purefoods noong late 80s ang triumvirate nila. Sa katunayan, naging synonymous na sina Patrimonio, Codiñera at Lastimosa sa Purefoods. At kung susuriing maigi, halos magkakapareho sila nina Pierce, Garnett at Allen ng Boston Celtics sa istilo ng paglalaro. Parehong heart and soul ng kanilang koponan sina Patrimonio at Paul Pierce. Matinik sa depensa sina Codiñera at Kevin Garnett (Bagamat hindi dumadakdak si Codiñera at halimaw naman sa dakdakan si Garnett), at parehong clutch three point shooter sina Lastimosa at Ray Allen.
Masasabi kong Purefoods ang nagmulat sa akin sa mundo ng basketball. Ito kasi ang kauna-unahan kong naging paboritong team sa PBA, kasunod ang Alaska. Bagamat wala pa akong kamuwang-muwang noon sa mundo, naaaliw ako kapag nanonood ang tatay ko ng PBA sa TV. Kaya naman nagpagawa si itay noon ng maliit na goal na nabili sa palengke at ikinabit sa bakuran namin para makapag-basketball ang musmos na tulad ko. (Nakakatawa lang, kasiFormula Shell ‘yung disenyo ng goal ko imbis na Purefoods na favorite team ko!)
Minsan din akong humiling sa tatay ko ng Purefoods jersey ni Lastimosa. Siya kasi ang ultimate (naks) idol ko noong bata. Sabi ko, gusto ko ng sando ni Lastimosa na may nakalagay na “4” bagamat jersey number 6 si Jolas noon sa Purefoods. Syempre, walang nabibiling ganon sa palengke. Kung meron man, malamang pinasadya. Ang nabili sa akin ni itay ay jersey number 14 ng Purefoods (at hindi ko alam kung sino ang “14” sa Purefoods noong time na ‘yun. Baka ‘yung waterboy nila. ‘De biro lang). Binola pa ako ng tatay ko noon. Tinanong daw ng mananahi kung ilan ang anak ng tatay ko, sabi n’ya isa. Eh ilang taon na daw ako? Sabi ni itay, four years old. Kaya pinagsama ‘yung 1 at 4, naging 14. Hanep, ‘di ba? Ako naman ang natuwa kahit na kinalaunan ay napag-isip isip kong binili lang sa palengke ‘yun at hindi talaga pinatahi. Nagpasadya rin ako ng trademark na wristband, na yari sa sirang medyas.
Katulad ng mga magsyotang nag-split, kinalaunan ay naghiwa-hiwalay din sila ng landas. Mula sa Purefoods, si Codiñera ay itrinade sa Mobiline Phone Palskapalit ng banong si Andy Seigle. Si Lastimosa naman ay pinamigay sa Alaska noong 1991 at dito, lalo pang umusbong ang career n’ya at naging isa sa main weapons ng tinaguriang “Team of the 90s” ng PBA. Binansagan din noon si Jolas bilang “Mr. 4th Quarter Man” dahil sa kanyang husay sa clutch baskets. Si Patrimonio naman ay nanatili sa Purefoods hanggang sa magretiro noong 2004.
Kahit na mga retirado na sila, hindi pa rin nila maiwan ang sport na yumakap sa kanilang pagkatao. Si Patrimonio ay kasalukuyang team manager ng B-Meg Llamados (koponan ni Papa James Yap). Si Codiñera ay naging assistant coach ng UP Fighting Maroons at ngayon ay head coach ng UE Red Warriors sa UAAP. Si Lastimosa naman ay isa ngayon sa assistant coaches ng Alaska Aces.
At oo, ang sexy ni Codiñera sa picture at mukhang buhok ni Lolit Solis ‘yung hairstyle ni Lastimosa!