Friday, January 20, 2012

Napanood mo ba ang pelikulang nagpakilig sa masa noong 90s na “Titanic"?


Noong mga huling taon ng dekada 90, nagkaroon ng isang romantic disaster film na Titanic, starring Leonardo DiCaprio as Jack Dawson at Kate Winslet as Rose Bukater (Nais kong pasalamatan ang Wikipedia para sa apelyido nina Jack at Rose!). Para sa mga kahapon lang ipinanganak at hindi napanood ang pelikulang ‘to, ito ay tunay na istorya ng trahedyang naganap sa karagatan at ang pag-iibigan ng dalawang taong langit at lupa ang pagitan sa gitna ng matinding trahedyang ito. Lumubog ang RMS Titanic matapos bumangga sa isang iceberg habang binabaybay ang Atlantic Ocean noong April 14, 1912.

"Iceberg! Right ahead!!"
Napakaraming eksenang nagmarka sa bawat nakakapanood sa pelikulang ‘to. Sino nga ba ang hindi makakalimot sa pagpinta ni Jack sa hubo’t hubad na katawan ni Rose? Sa sinehan ko unang napanood ang pelikulang ‘to kasama ng aking mga magulang at bunsong kapatid kaya naman napaka-awkward ng eksenang ‘yun. Medyo nahihiya-hiya pa kaming sumulyap noon sa cute na utong ni Kate Winslet. Pero nung pinanood ulit namin un eh nasanay na rin kaming makita ang “pasas sa monay” kahit may kasamang mas nakatatandang nanonood. Isa pang eksena ay ‘yung tinatawag na “I’m the king of the world” scene. Tapos meron pang naging paboritong gayahing eksena sa ibang pelikula at katatawanan kung saan nakatayo si babae sa dulo ng bangka at habang umaandar ito ay itinataas ang kanyang mga braso na parang pakpak ng eroplano, habang nakayakap naman mula sa likuran si lalake. At sino nga ba ang hindi makakaalala sa sex scene nila Jack at Rose kung saan sila nagsalo ng kaligayahan sa isang lumang sasakyan na ayon sa mga kabarkada kong medyo malikot ang mga isipan eh na-devirginize daw si Rose doon dahil kung matatandaan ay pinakita ‘yung basang kamay ni Rose na pumalo sa bintana habang ehem… “nagtitirahan” sila ni Jack. Dugo daw ‘yun ni Rose dahil first time n’yang makipag-sex ayon sa mga kabarkada ko. (Hanep ang mga kabarkada ko noon.) At meron pang nakakatuwang eksena kung saan tinuruan ni Jack na dumura si Rose sa dagat. Hanep! Pati pagdura tinuro.

Kung merong “light moments” eh meron ding mga eksenang aantig sa inyong mga puso. May isang nakakaawang eksena kung saan nagpakabayani ang “captain of the ship” at hinayaan na lang n’yang anurin s’ya ng noo’y papasok nang tubig sa loob ng Titanic. Pero ang mas nakaka-antig para sa akin ay ‘yung eksena ng dalawang mag-asawang matanda na magkayakap pa sa kama hanggang sa inanod sila ng papasok na rumaragasang tubig dagat.

Pero bukod sa mismong pelikula, pumatok din ang original soundtrack nito na “My Heart Will Go On” na inawit ng diva na si Celine Dion. Dahil sa popularity ng pelikula, nahatak din ang popularidad ng awiting ito kaya naman matagal na nanatili ito sa number one spot ng MTV Asia Hitlist (Ito ‘yung countdown dati ng MTV, kumbaga para s’yangMYX Hit Chart ngayon). Halos buong araw ako kung tumutok noon sa MTV kaya natatandaan kong sobrang tagal ng kantang ‘to sa top one, tapos lagi namang second placer lang ‘yung “Frozen” ni Madonna. Madalang kung makaungos si Madonna kesa kay Celine Dion na consistent number one. (Trivia: Ginawan ni Michael V ng “Myusik Tagalog Bersyon” ang awiting ito at tinawag na “Ang Puso Ko’y Tutuloy” by Celine Din’yon.)

Ayon sa aking pananaliksik sa malawak na mundo ng Wikipedia, napag-alaman kong ang pelikula palang ito ay pumapangalawa sa listahan ng highest grossing films of all time, umabot sa mahigit 1.8 billion dollars ang kanilang earnings sa ticket sales sa buong mundo (highest grossing film of all time ay AvatarClick here for more details)! Kung ngayon nangyari sa atin ‘to eh bale mahigit 79 billion pesos ang earnings ng Titanic. Hanep! Makakagawa ka na ng ilang sequels doon ng Mano PoEnteng Kabisote at Shake Rattle and Roll sa ganoong kalaking halaga! Ganyan kalaki ang impact ng istorya na ginawa ng higanteng barko na ‘to!

Makalipas ang mahigit sampung taon, sigurado akong marami pa ring nanonood at nakakapanood sa inyo ng pelikulang ito na itinuturing nang classic sa movie history. At tulad ng theme song sa pelikula, ang popularidad ng Titanic “will go on and on”.

Nga pala, para sa mga “Titanic Fanatics” oink oink d’yan na gustong balikan ang ilang memorable quotes ng pelikula, pindutin lang ang link na ito.

Tuesday, January 3, 2012

Napaindak ka ba sa mga awitin ng boyband extravaganza noong 90s na Backstreet Boys?


Kasama sa pag-usbong ng makabagong musika o pop music noong dekada nobenta ang pamumukadkad ng isang grupo ng mga mang-aawit na kinabibilangan ng mga kalalakihan at nakilala sa tawag na boyband. Bagamat hindi talaga sila tumutugtog ng kahit anong instrumento katulad ng isang pangkaraniwang banda, tinawag pa rin sila sa ganoong pangalan sapagkat (Uhm… Hindi ko pa pala alam kung bakit. Next time ko na lang aalamin.) At kapag pinag-uusapan ang boybands, hindi pwedeng mawala sa listahan ang Backstreet Boys. Sino nga bang 90s kid ang hindi nakakakilala sa boyband na ito?

Backstreet Boys: 90s' Boyband extravaganza!!!
Ang Backstreet Boys ay isang American vocal group/boyband na nabuo sa Orlando, Florida noong taong 1993 at kinabibilangan nina AJ McLeanHowie Dorough, Brian LittrellNick Carter (nakatatandang kapatid ni Aaron Carter na sumikat din dahil sa awiting “Crush On You”) at Kevin Richardson. Nagkaroon sila ng pitong (7) studio albums: Backstreet Boys (1996), Backstreet’s Back (1997),Millennium (1999), Black & Blue (2000), Never Gone (2005), Unbreakable (2007), atThis Is Us (2009). Aminin mo, na-“last song syndrome” oink oink ka sa mga awiting tulad ng Get Down (You’re the one for me, you’re my ecstasy, you’re the one I need…), As Long As You Love Me (Who you are? Where you’re from? Don’t care what you did as long as you love me, baby…), All I Have To Give (But my love is all I have to give. Without you I don’t think I can live. I wish I could give the world to you, but love is all I have to give…), I Want It That Way (Tell me why ain’t nothing but a heartache. Tell me why ain’t nothing but a mistake. Tell me why, I never wanna here you say, I want it that way…), at hindi ko na sasabihin ang iba pa dahil tiyak mapapa-download na naman ako nito nang wala sa oras. Ilan lang ang mga kantang nabanggit ko na talaga namang bukod sa masarap sabayan eh mapapasayaw ka kahit hindi ka naman marunong sumayaw.

Hindi ko alam kung ano ang first music video nila pero ang kauna-unahang music video na napanood ko sa MTV ay ang kanilang Quit Playin’ Games. Oo, mid-90s na noong madiskubre ko na may channel palang nagpapalabas ng music videos. Para sa mga nakalimot na sa video ng Quit Playin’ Games, ito ‘yung sumasayaw ang limang ‘to sa gitna ng parang parke. Biglang bubuhos ang ulan sa gitna ng video. Naka-pormang kagalang-galang sila sa umpisa ng kanta pero dahil hindi pa sila naliligo noong araw na ‘yun, naisipan nilang magtampisaw sa ulan at unti-unti silang nagtatanggalan ng mga saplot habang kumekendeng, at ayoko nang ituloy dahil alam kong naaalala n’yo na ang video na ‘to. Para naman sa mga hindi nakakaaalam nito, ipinauubaya ko na lang ang video sa YouTube o ‘di kaya’y sa malilikot n’yong kaisipan.

Tulad ng dati, isa ang boyband na ito sa mga umengganyo sa akin na bumili ng cassette tape. Ipinagmamalaki kong meron akong album nila ng Backstreet Boys, Backstreet’s Back, Black & Blue, at Millennium. (Oo, proud ako sa tapes kong ‘yon. Buhay pa nga hanggang ngayon pero naghihingalo na ‘yung case, tadtad ng scotch tapes at hindi ko na rin mapakinggan dahil wala na kaming cassette player.) Pinaka-paborito ko sa mga kanta nila ang Shape Of My HeartThe Call, I Want It That WayMore Than That, at iba pa.


Bagamat una nilang naging single ang kantang “We’ve Got It Goin’ On” na galing sa kanilang self-titled debut album, hindi ito gaanong sumikat. Sa halip, mas sumikat dito sa Pinas ang “Get Down”. Lalo pa itong nakilala noong mag-tour sila dito sa ating bansa. Natatandaan ko pa nun, nagperform sila sa variety show ng ABS CBNtuwing Linggo (ASAP o Sa Linggo nAPO Sila). Sinasayaw din ito ng Pinoy dance group nina Vhong Navarro at Jhong Hilario, ang Streetboys, kaya nang biglang dumating ang Backstreet Boys sa bansa, ang buong akala ko ay spoof lang sila ng Streetboys.

Isa ang Backstreet Boys sa mga nagpasimuno ng mahiwagang alamat ng boybands. Sumunod sa kanilang umusbong ang iba pang boybands tulad ngWestlifeN*SyncA1, 91198 Degrees, at marami pang ibang grupo ng mga taong nagpapaka-lalake kahit minsan halatang may pilantik ang mga daliri ng ilan sa kanila.

Napag-uusapan na rin lang ang pilantik, karaniwan na sa isang boyband noon ang magkaroon ng gender issue, o ‘yung bigla na lang magkakaroon ng tsismis na bading ang isa nilang kagrupo. Merong ilan na hindi umamin, may mga nagkakaila pa, subalit meron din namang nagsiwalat ng tunay na pagkatao. Isa na rito si Stephen Gately ng Boyzone. Nagsolo s’ya noon, dahil siguro sa kahihiyan, o baka dahil nagseselos s’ya kay Papa Ronan Keating kapag may bebot na lumalapit sa kanya.

Dito kaya sa Backstreet Boys? Sino sa tingin mo ang myembro ng federasyon? Meron nga kaya sa kanilang may federasyon? (‘Yan ang hirap sa mga sobrang gwapo eh, napapagkamalang bading. Buti na lang hindi ako gwapo.)

Para nga pala sa titulo ng post kong ito, hinanap ko ang Tagalog ng salitang“extravaganza” at ayon sa Google Translate, ito ay “marangyang palabas”. Pero wala itong kinalaman sa titulo ng post ko. Natawa lang ako bigla sa naisip kong ito kaya ginawa kong pamagat ng aking “boyband post”. (Boyband Extravaganza! Lang’ya, parang circus.)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...