“For God so loved the world, He gave us His only Son. Jesus Christ our Savior, His most precious one. He has sent us His message of love and sends those who hear to bring the message to everyone in a voice loud and clear. Let us tell the world of His love. The greatest love the world has known. Search the world for those who have walked astray and lead them home. Fill the world’s darkest corners with His light from up above. Walk every step, every mile, every road, and tell the world, tell the world of His love.”
Ang nabasa mo ay lyrics ng kantang “Tell The World Of His Love” na sinulat ni Trina Belamide at opisyal na inawit nina Jeff Arcilla at Raquel Mangaliag. Lagi naming kinakanta ‘yan sa eskwelahan noon pagkatapos ng aming recess—with matching action pa! Bale volunteer lang naman kung sino ang gustong kumanta sa harapan ng klase, at walang problema kung solo ka, duet kayo, trio o kaya naman eh buong klase ang sabay-sabay aawit sa harapan nang sintunado at hindi sabay-sabay ang action na parang mga batang kindergarten na nag-iintermission sa stage. Wala namang premyo o hindi naman nagbibigay ng karagdagang grado ang guro namin pero hindi ko alam kung anong hiwaga meron ang kantang ito at lahat kami ay napapa-volunteer. Automatic ‘yun, walang mintis! Minsan naman eh ni-record namin sa VHS tape ‘yung pag-awit namin ni utol ng kantang ‘yan. Bibo kasi kami noong bata at makapal pa ang mukha kong umawit sa harap ng maraming tao.
Sa mga hindi nakakaalam, ang awiting ito ay official theme song ng World Youth Day na ginanap dito sa ating bansa noong taong 1995. Natanong mo siguro kung ano ang World Youth Day. O kung hindi man eh ipagpalagay na nating natanong mo nga kaya sasagutin ko. Ehem. Ang World Youth Day ay isang pagdiriwang ng Simbahang Katoliko na dinaluhan ng ilang mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa sa pamumuno ng yumaong Santo Papa, si Pope John Paul II. Nagsasama-sama ang “pilgrims” sa iba’t ibang panig ng mundo upang makibahagi sa mga kultura ng iba’t ibang bansa bilang Katoliko. Kadalasan ay may ginaganap na misa sa lahat ng Simbahang Katoliko sa buong Pilipinas mula Enero 10 hanggang 15, at ang finale ng World Youth Day ay isang misa sa Luneta na dinaluhan naman ng mahigit limang milyon (Hindi limandaan, hindi limang libo, li-mang-mil-yon! Sa pagkakaalam ko eh televised ang misang ‘yun. Putik, ang daming bumbunan sa telebisyon nun!) katao. Ito ang naging pinakamalaking pagtitipon kasama ng Santo Papa o “Papal gathering” sa kasaysayan ng Romano Katoliko. Sabi ng ilan, mas madami pa ito kesa mga dumalo noong EDSA People Power 1.

Ang World Youth Day noong 1995 ay ang pangalawang pagkakataon na bumisita si Pope John Paul II dito sa Pilipinas. Una s’yang nagtungo dito noong taong 1981. Ang pagbisita ng Santo Papa sa ating bansa noon ay naging malaking balita hindi lang dito kundi pati na rin sa buong mundo. Nakakatuwang panoorin ang Santo Papa habang magiliw na ini-entertain ang mga kabataan. Nag-eexhibition pa s’ya noon gamit ang kanyang baston! Pinapaikut-ikot n’ya ito sabay hiyaw ng mga tao ng “John Paul II, we love you!”. Hindi ko makalimutan ang chant na ‘to. Sa katunayan, nagparang LSS na sa akin ‘yun. Ang sarap pakinggan ng pagkakaisa ng buong mundo habang sinisigaw ang mga katagang ‘yan. “John-Paul-II! <*drum beats*> We-love-you! <*drum beats*> John-Paul-II! <*drum beats*> We-love-you! <*drum beats*>”. Paulit-ulit. Minsan din s’yang gumamit ng lenggwahe natin sa misa kaya naman napamahal sa atin ang Santo papa.
Televised ang World Youth Day noong 1995 at ang Kapuso Network GMA 7 (na Rainbow Satellite pa ang monicker noon) ang official TV network nito. Hindi man ako nakapunta sa Luneta noon pera ang saya-saya ko noong World Youth Day! Bakit? Paano kasi, isang linggong walang pasok noon! Isang malaking yehey! Kaya maghapon ako doon sa bahay ng paborito kong tita. Pagkatapos nilang manood ng coverage nito, kasunod na ang paglalaro ko ng Family Computer nang wantusawa! Elementary pa lang ako noon pero hindi ko na sasabihin kung anong grade ako nun dahil ayoko lang. Hehe.
Kapag nababanggit ang World Youth Day, lagi kong naaalala ‘yung laruang bilyar namin dati. Alam n’yo ‘yung laruang ‘yun? Ito ‘yung maliit na version ng billiards na yari sa plastik at halos mas malaki lang ng kaunti sa chopping board, may spring ‘yung pinaka-tako n’ya, sinliit lang ng holen ang mga bola at madalas ay nabibili sa palengke. Ang tawag kasi ng kapatid ko (na musmos pa lang noong mga panahong ‘yon) sa cue ball doon ay “Pote” (pronounced as “Powt”, parang “Pope” John Paul). Kulay puti kasi ang cue ball at napapanood n’ya sa live coverage ng World Youth Day na laging naka-kulay puti si Pope John Paul II. Kapag naglalaro kami ng mini billiards na ‘yun at biglang pumasok sa butas ‘yung cue ball, sasabihin sa akin ni utol, “Ay, kuya pumasok sa butas si Pote!” at kapag nakailang beses na kami ng tira pero wala pa ring pumapasok na bola eh sasabihin n’ya, “Masakit na ang pwet ni Pote!”. At dahil ako ay isang taong 29,000 ft. below sea level ang kaligayahan eh madalas bumenta sa akin ang statement na ito ni utol.
Walong taon ang nakalipas matapos ang makasaysayang World Youth Day dito sa ating bansa, plano sana muling bumisita ni Pope John Paul II sa ikatlong pagkakataon dito para sa “World Meeting of Families” noong taong 2003. Subalit dahil sa kanyang problema sa kalusugan, pinayuhan s’yang huwag na lamang ituloy ang pagbiyahe. Namatay si Pope John Paul II noong Abril 2, 2005 sa edad na 84.
At muli ko na namang narinig sa aking isip ang theme song ng World Youth Day. <*magkakahawak-kamay habang itinataas unti-unti*> “Tell the wooooorld… Of His loooove…!” <*dahan-dahang ibababa ang kamay sabay bitaw at pahid sa damit dahil pasmado ang kamay ng naka-holding hands!*>
Bl. John Paul II,
ReplyDeletePray for us
Live JESUS in Our Hearts, Forever!!! :)