Sino nga ba ang hindi makakalimot sa classic 3 O’clock Habit na laging pinapalabas pagkatapos ng mga panghapong soap opera tulad ng Agila, Valiente at Mara Clara? Dahil lumaki ako sa mga lola ko na mahilig manood ng mga programang iyon, lagi ko itong napapanood. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay halos kabisado ko pa ang old English version nito, pati ‘yung announcement ng voice-over after the prayer na mala-Kuya Cesar ang boses. It goes like this:

Ang dasal rin na ito ang nagsisilbing hudyat para itigil ko na ang kunya-kunyarian kong pagtulog sa hapon. (Dati kasi, pinapatulog kaming magpipinsan ng tita ko tuwing hapon at kung sino man ang natulog sa hapon ay isasama sa pamamasyal sa may Tawiran sa Bulacan.) Ito rin ang hudyat para malamang oras na ng meryenda ko ng masarap na chocolate sandwich ng Rebisco at Sarsi na nakalagay pa sa plastik.
Sa ngayon, ang dasal na ito ay meron nang Tagalog version na exclusively sa ABS CBN.
Pindutin ito upang mapanood ang video ng lumang 3 O’clock Habit.
Naaalala ko pa rin yung boses ng ganito! Hahaha!
ReplyDelete