Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata. Likas na sa ating mga bata ang pagiging makulit at pasaway. Walang pinipiling lugar ang kakulitan ng isang bata, mapa-bahay man, eskwela o kahit saang lugar pa ito. Kaya naman madalas tayong napaparusahan ng ating mga magulang o ng mas nakatatanda sa atin. Ikaw? Alin sa mga sumusunod ang madalas na parusang natitikman mo noong bata?


Grounded. Ito naman siguro ang parusa ng mga sosyal na bata. Kapag nakagawa ng kasalanan? Goodbye TV, goodbye toys, at goodbye “gala sa labas” muna. Hindi tayo pinapalabas ng bahay hangga’t hindi tayo natututo sa ating mga pagkakamali. Naisip ko lang, sa panahon ngayon, ang hirap sigurong maparusahan ano? “Walang computer! Walang mall! Walang allowance!” Ouch. Ang saklap.
Kulong. Medyo may pagkakahawig ng kaunti ang pagiging grounded dito. Noong bata pa kami ng utol ko ay ito rin ang madalas na parusa sa amin. Kinukulong kami ng ilang minuto sa loob ng CR nang walang ilaw (Hindi pa namin abot ang switch ng ilaw noon. Hehe.). Natatawa lang ako kapag naaalala ko ‘yung “kulong” moments namin nung bata. Nasira ko kasi ‘yung pambomba namin ng inodoro noon dahil hinataw ko ‘yung pinto ng CR namin. Nagbuhos naman ang kapatid ko ng isang timbang tubig nang nakadamit nang makulong s’ya sa CR.
Hubo. Pamilyar ba kayo sa kahiya-hiyang parusang ito? Madalas ginagawa sa mga batang lalake ang parusang ito sa eskwela. Kapag nakagawa ng kasalanan (Gaya ng hindi paggawa ng takdang aralin) ay patatayuin tayo ng mahal nating mga guro sa harapan ng klase habang nakababa ang ating mga damit pang-ibaba at brief na lang ang makita sa atin. Good luck na lang sa iyong dignidad pagkatapos mong maparusahan ng ganito. (Buti na lang at hindi ko naranasan ito. Haha.)
At sa mga bawat parusang ito ay tiyak na may kasunod na words of wisdom at moral lessons mula sa ating mga magulang. At ang klasik na linya na ating maririnig ay: “Kaya ka namin pinaparusahan ay dahil mahal ka namin.” Tama, hindi ba?
Meron akong kaklase dati na nahubuan (actually binubuksan lang ang zipper ng shorts) ang kaso wala siyang brief kaya kita pututoy niya. Hindi namin makalimutan pangalan niya - HERMINIGILDO TONIO (mahanap nga sa fesbuk)
ReplyDelete